Thursday, May 10, 2007

computer

may computer ako

Ako'y natutuwang
makatang
naregaluhan ng
bagong computer.

Agad ko siyang
pinakain ng
mga instruction:
mga bugtong at mga talinhaga
mga salawikain at mga tanaga
lahat ng maganda
marikit at dakila.

At kanyang
tinipon-tipun
ang mga ito't
nakabuo ng mga tula.
(pero tunay kayang
tula ang mga ito,
kung oo, siya ba
o ako ang gumawa?)
Ako'y natutuwang
makatang
nakikipagtalo sa
bago kong computer.

3 comments:

rock said...

Mam len,
Ang galing ng iyong tula. Wala ng iba, tungkol naman sa Snacks.

aileen said...

wala lang..

aileen said...

VFGJHFV